November 5th, 2008
President Barack Obama
Si Barack Obama ang nanalo sa United States presidential elections. Change o pagbabago ang battle cry niya. Liligwak kaya sa Pilipinas ang pagbabagong pangako ng kaunaunahang African-American US president?
Si Barack Obama ang nanalo sa United States presidential elections. Change o pagbabago ang battle cry niya. Liligwak kaya sa Pilipinas ang pagbabagong pangako ng kaunaunahang African-American US president?
Luma na ito, pero napapanahon naman:
Anong joke ang di nakakatuwa?
Eh, di… Joke-Joke Bolante!
Kahapon ginanap ang DigitalFilipino.com Club and Bloggers Manila Networking Event, pero kahapon din lang ako nakapag-confirm ng attendance. Kahit nakabakasyon, medyo puno schedule ko ngayong mga araw na ito.
Sa Starbucks 6750 ang kitaan, kaya bago mag-5p.m. ay pumunta na ako roon. Di ko man hilig bumili ng napakamahal na kape nila, napilitan din ako. Wala kasi akong nakitang ibang blogger sa mga table, maliban kay BillyCoy, na mukhang di naman ako nakita o nakilala. Pero paglabas ko bitbit ang isang basong kape, saka ko nakita sina Janette at Tonyo. Doon na kami naghintay ng bus na magdadala sa amin sa Casino Filipino sa Paranaque, ang venue ng kitaan.
Kinunan ang larawan namin ni Among Ed Panlilio noong bumisita ang Bloggers’ Kapihan sa Pampanga upang ilunsad ang blog ng butihing paring ngayo’y gobernador ng Pampanga.
Isa rin siya sa mga pinili ko sa Top 10 influential bloggers ng Digital Filipino.
Nalaman ko ngayong umaga lang na ang kuwento niya pala ay itatampok mamayang gabi sa Reporter’s Notebook ng GMA-7. Malalaman natin kung bakit gusto siyang i-recall ng mga pulitikong Kapampangan.
Narito ang mga buod ng palabas mamaya sa RN, GMANews.tv